--Ads--

CAUAYAN CITY, ISABELA – Nahaharap sa kasong pangagagahasa ang isang karpintero matapos gahasain umano ang isang may kapansanan sa pag-iisip sa Delfin Albano, Isabela.

Ang biktima ay isang 42 anyos na may kapansan sa pag-iisip habang ang suspek ay itinago sa pangalang Roy, 45 anyos, may-asawa at residente ng Tumauini, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Delfin Albano Police Station, napansin ng mga kaanak na may hindi kanais-nais na nangyayari sa loob ng silid ng biktima.

Sinubukan nilang buksan ang pintuan ng silid ngunit ayaw pabuksan ng suspek.

--Ads--

Dumating ang mga opisyal ng barangay sa lugar ngunit ayaw pa rin ng suspek na buksan ang pintuan ng silid hanggang sila’y magbanta na tatawag ng mga pulis.

Napilitang binuksan ang silid at natagpuan ang suspek sa ilalim ng kama ng biktima at siya’y dinala sa himpilan ng pulisya.