Tumaas ang kaso ng teenage pregnancy sa lungsod ng Cauayan sa nakalipas na mga taon.
Sa tala ng City Population Office, umakyat ng 66 percent ang pagtaas ng kaso ng pagbubuntis ng mga teenager sa lungsod nitong taong 2024.
Ayon sa ahensiya, nakakabahala ang ganitong klase ng datos lalo pa at isa sa nais tunguhin ng lungsod ng Cauayan ay ang maging progresibo.
Ayon kay Population Program Officer 2 Rouchel Pareho ng lungsod ng Cauayan, ang pagkakaroon kasi ng mataas na kasi ng teenage pregnancy sa lungsod ay magdudulot din ng epekto sa layuning maging SMART City ang Cauayan.
Aniya, ang mga hindi kasi planadong pagbubuntis lalo na sa mga kabataan ay magreresulta sa posibleng hirap ng mga pamumuhay ng mga teenager na sangkot dito.
Samantala, sa monitoring ng ahensiya karamihan sa mga teenager na nabubuntis ay mga nag aaral pa lamang.
Ito rin ang dahilan kung bakit nagsasagawa ngayon ang ahensiya ng programa hindi lang sa mga out of school youth at paaralan kundi pati rin sa mga Barangay para matutukan ang mga kabataan at mapangaralan sa panganib na pwedeng idulot ng maagang pagbubuntis.