CAUAYAN CITY- Patay na ng matagpun ang isang lalaking hinihinalang nalunod sa Ilog na nasasakupan ng Sta. Maria Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Abdel Azis Maximo ang Hepe ng Sta. Maria Police Station, sinabi niya na na nakatanggap sila ng ulat mula sa mga concerned citizen partikular ang Barangay Kapitan ng Barangay Buenavista kaugany sa pagkakatagpo sa katawan ng isang lalaki na palutang lutang sa ilog.
Agad aniya silang rumesponde at nagtungo sa lugar, dito ay tumambad sa kanila ang katawan ng isang lalake na nasa state of decomposision na.
Makalipas ang isang araw ay nakipag ugnayan agad sa kanila ang pamilya ni Frederick Macaballug Talaue na residente ng Cabagan, Isabela.
Ayon sa mga kamag anak ng biktima umalis siya sa kanilang bahay noong nakaraang Linggo at nagpaalam na pupunta siya sa ilog subalit hindi na umano ito nakauwi.
Ilang araw din nila itong pinaghahanap hanggang sa makarating sa kanila ang impormasyon kaugnay sa pagkakatagpo ng bangkay sa Bayan ng Sta. Maria, Isabela.