--Ads--

CAUAYAN CITY – Mas dumami pa ang nagsasagawa ng kilos protesta para tutulan ang pagpapalawig ng kanilang pamahalaan sa retirement age ng mga manggagawa.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Dick Villanueva na sa ikaanim na araw ng demonstrasyon laban sa reporma ng pensyon ay nagtala ng 1.28 milyon na kalahok sa buong France, ayon ito sa Ministry of Interior pero ayon sa Union ay umabot sila ng 3.5 milyon.

Ang unang araw naman ng kilos protesta noong ikalabing siyam ng Enero ay nagtala ng 1.12 milyon na raliyista subalit ayon naman sa Union ay mahigit dalawang milyon.

Sa kabila naman ng mga pagkilos na ito ay naninindigan pa rin ang pamahalaan ng France na hindi nila kakatigan ang kahilingan ng Union na ibaba ang retirement age sa 60 subalit nanindigan din ang mga nagsasagawa ng demonstrasyon na hanggat hindi pinagbibigyan ang kahilingan ng Union ay magsasagawa sila ng kilos protesta.

--Ads--