CAUAYAN CITY– Ikinalungkot ng Cauayan City Sports Development Office ang biglaang pagpanaw ni NBA Legend Kobe Bryant matapos bumagsak ang sinasakyan nitong helicopter.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sports Development Officer Jonathan Medrano ng Cauayan City na bilang basketball fanatic ay nalulungkot din siya sa biglaang pagpanaw ng naturang NBA Legend.
Maliban anya sa pagiging inspirasyon ng maraming kabataang basketbolista sa bansa ay nakilala rin umano si Kobe Bryant sa pagsuporta nito sa mga basketball programs ng bansa sa pamamagitan ng pagbisita nito sa pilipinas.
Isa umano sa mga pinaka-hinahangan ni Sports Development Officer Medrano sa mga laro ni Bryant ang mga slam dunks at fade away shot nito.
Namatay si Bryant at kanyang anak na si Giana, 13 anyos kasama ang 7 iba pa matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa California, U.S.A.