CAUAYAN CITY – Namayagpag ang koponan ng Tanauan at Ilocos Norte sa katatapos na 2023 Little League Philippine Series na ginanap sa Lunsod ng Ilagan.
Sa awarding clossing at awarding ceremony kahapon, sa minor baseball team north and south teams ay 1st place ang Tanauan Team, 2nd place ang General Trias at 3rd place ang City of Ilagan.
Sa major baseball team north ay first place ang Ilocos Norte, 2nd place ang Benito Soliven-Cauayan Team at 3rd place ang Zambales habang sa Team South ay first place ang Tanauan Team, second place ang Muntinlupa at 3rd place ang illam.
Sa 50-70 Intermediate Baseball North Division ay nanguna ang Ilocos Norte, 2nd place ang Mountain Province, 3rd place ang Zambales habang sa South Division ay nanguna ang Tanauan, pangalawa ang Taguig at pangatlo ang Marikina.
Sa Junior North Baseball Division ay nanguna ang Zambales, second place ang Baguio City at 3rd place ang Lunsod ng Ilagan habang sa South Division ay first place ang Tanauan, second place ang illam at pangatlo ang Antipolo.
Sa Senior North Baseball Division ay nanguna ang Zambales, pumangalawa ang City of Ilagan at pangatlo ang Ilocos Norte habang sa South Division ay first place ang Tanauan, second place ang Marikina at 3rd place ang Muntinlupa.
Samantala sa Major North Softball Division ay nanguna ang Ilocos Norte, pangalawa ang Zambales, pangatlo ang mountain province habang sa South Division ay nanguna ang Tanauan, pangalawa ang Manila at pangatlo ang Pasig City.
Sa Junior North Softball Division ay nanguna ang Nueva Ecija, pumangalawa ang Ilocos Norte, pangatlo ang City of Ilagan habang sa South Division ang first place ay Pasig City at second place ang Manila.
Nanguna naman ang Bulacan sa Minor North Softball Division, pumangalawa ang Zambales at pumangatlo ang Tabuk City habang sa South Division ay first place ang Tanauan, second place ang Smokey Manila at 3rd place ang Dasmariñas.
Pinangunahan ni Mayor Josemarie Diaz, mga opisyal ng Lunsod ng Ilagan at District Administrator Michael Zialcita ng 2023 Little League Phils. Series ang closing at awarding ceremony.
Sa naging talumpati ni Mayor Diaz ay kanyang ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa pakikipagtulungan ng kapwa mga opisyal ng Lunsod ng Ilagan maging ang suportang ibinigay ng mga Ilaguenio.
Pinasalamatan din nito ang dalawampu’t limang participating teams na lumahok sa 2023 Little League Phils. Series.
Tiniyak din niyang magiging handa rin sila sa gaganaping finals ng 2023 Little League Phils. Series sa buwan ng Abril 2023 na ang Lunsod ng Ilagan pa rin ang magiging Host.
Samantala, sa naging talumpati naman ni Sangguniang Panglunsod Member Jay Eveson Diaz, Chairman ng Sports and Tourism Committee ay inihayag nito ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng 2023 Little League Phils. Series at mga delegasyon dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang Hosting at sa magandang feedback sa kanilang pagiging Host.
Sinabi niya na ang magandang nangyari sa ginanap na 2023 Little League Phils. Series ay ang nabuong pagkakaibigan ng mga atleta mula sa iba’t ibang panig ng Luzon.
Ibinahagi nito na magkikita pa rin ang mga atleta sa gaganaping finals ng 2023 Little League Phils. Series na gaganapin sa buwan ng Abril, 2023.