--Ads--

Kinumpiska ng isang hukuman sa Moscow, Russia ang 123 ari-arian na dating pag-aari ng relihiyosong grupong Jehovah’s Witnesses at inilipat ang mga ito sa pamahalaan ng Russia.

Ayon sa court service ng Moscow, ang mga nasabing ari-arian ay nakarehistro noon sa Swedish branch ng Jehovah’s Witnesses. Kabilang dito ang 63 residential at commercial properties na may kabuuang lawak na mahigit 11,000 square meters, gayundin ang 60 lote na may kabuuang sukat na 5.6 ektarya na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Noong 2017, ipinagbawal ng isang korte sa Russia ang Jehovah’s Witnesses matapos itong ideklarang isang “extremist organization.”

Gayunman, naglabas ng desisyon ang European Court of Human Rights noong 2022 na nagsasabing labag sa batas ang naturang pagbabawal. Sa kabila nito, marami nang miyembro ng Jehovah’s Witnesses sa Russia ang nakulong matapos mahatulan sa kasong may kaugnayan sa umano’y “extremist activity.”

--Ads--