--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinisiyasat na ng Presinto uno ng Santiago City Police Office ang pagkakilanlan ng pumatay sa isang kubrador ng Jueteng na natagpuan sa barangay Balintucatoc, Santiago City.

Ang biktima ay si Ricardo Buno, 52 anyos, may-asawa at residente ng barangay Callao east, Santiago City.

Sa nakuhang mpormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Insp. Jose Cabaddu Jr., hepe ng presinto uno ng SCPO, kanyang sinabi na sinisiyasat na nila ang posibleng motibo sa pagpatay kay Buno.

Sinabi pa niya na maaaring hinoldap ang biktima bago pinatay dahil sa wala umanong natagpuang anumang bagay na gamit ng biktima.

--Ads--

Matatandaan na natagpuan ang biktima sa gilid ng daan sa nasabing barangay at may pasa ang kaniyang mata.