--Ads--

Mas naging pessimistic ang mga Pilipinong konsyumer sa ikaapat na kwarter ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dahil sa mga alalahanin tulad ng katiwalian, mataas na inflation, mababang kita, at epekto ng mga kalamidad.

Bumagsak ang consumer confidence index sa -22.2%, ang pinakamababa sa loob ng apat na taon.

Sa kabila nito, mas optimistiko naman ang mga negosyo. Tumaas ang business confidence index sa 29.7%, bunsod ng inaasahang mas mataas na paggasta ngayong holiday season, mas maayos na operasyon, at favorable inflation environment.

Umaasa ang parehong konsyumer at negosyo na mananatili ang inflation sa loob ng target range. Nitong Nobyembre, ang inflation ay nasa 1.5%, mas mababa sa itinakdang 2–4% ng pamahalaan.

--Ads--