--Ads--

Patok ngayon sa TikTok ang actress na si Kylie Padilla, partikular sa kanyang mga live battle kasama ang mga sikat na TikToker mula South Korea.

Kabilang sa madalas niyang nakakaharap si Korean TikToker Ethan, na naging paborito ng kanilang followers. Dahil sa kanilang madalas na pagtutulungan at pakikipagbiruan, na-ship sila ng fans at nabuo pa ang fans club na “KyThan.”

Madalas umanong nananalo si Kylie sa mga battle dahil sa dami ng gifts na natatanggap mula sa kanyang followers. Kamakailan, nakapag-ipon umano siya ng maraming gifts na balak niyang i-withdraw upang ipambili ng relief goods para sa mga residenteng binaha.

Naging usap-usapan din ang tinawag nilang “TikTok wedding,” na kinatuwaan ng kanilang followers.

--Ads--