Muling sold out ang Centre Court ng Sobeys Stadium sa Toronto, Canada para sa inaabangang Round of 16 match ni Alex Eala laban sa Swiss star na si Belinda Bencic sa National Bank Open.
Tinatayang nasa 12,500 manonood ang pupuno sa pangunahing venue ng torneo.
Pasok si Eala sa Round of 16 matapos talunin ang Amerikanang si Caty McNally, 6-3, 5-7, 6-4, sa isang mahigpit na laban. Sa kabila ng pagkaka-injure sa kanang paa sa ikalawang set, nagawa pa rin ng Filipina tennis ace na makuha ang panalo.
Patuloy namang umaani ng suporta si Eala mula sa mga Pilipino at tennis fans matapos ang kanyang makasaysayang pagkapanalo sa Washington Open, kung saan siya ang naging unang Pilipinong nakasungkit ng isang WTA Tour-level singles title.
Ang mananalo sa laban nina Eala at Bencic ay uusad sa quarterfinals ng prestihiyosong WTA 1000 tournament.











