--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiyak na maraming Pilipino sa Tokyo, Japan ang magtutungo sa Saitama, Japan upang panoorin ang laban nina Nonito Donaire Jr. at Naoya Inoue sa June 7.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran na inaabangan na ng mga Pilipino ang laban ni Nonito Donaire at dahil malapit lamang sa Tokyo  ang Saitama Super Arena ay tiyak na maraming Pinoy ang manonood sa laban ng Pinoy boxer.

Ang mga Japanese ay mahilig din sa boxing at tiyak na magbibigay suporta kay Inoue na kanilang kababayan.

Malaki ang paniniwala ng mga Japanese Fans na muling mananalo si Inoue dahil wala pa siyang talo sa kanyang 22 fights.

--Ads--

Ang capacity ng super Arena sa Japan kung saan gaganapin ang laban nina Donaire at Inoue ay 35,500.