--Ads--

Naiuwi na sa lalawigan ng Quirino ang mga labi ni Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua, kasama ang kaniyang pamilya.

Sinalubong sa paliparan ang labi ng yumaong gobernador ni Isabela Gov. Rodito Albano III, kasama ang ilang kaibigan, kasamahan nito sa politika at mga taga-suporta.

Matapos ang seremonya sa paliparan, agad na dinala ang labi ni Cua patungong Quirino kung saan sinimulan ng pamilya ang paghahanda para sa kaniyang mga labi at libing.

Si Cua ay 48 taong gulang nang pumanaw nitong Martes ng gabi, ayon sa mga taong malapit sa kaniya at ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

--Ads--

Hindi pa naman inilalabas ng pamilya o ng pamahalaang panlalawigan ang mga detalye hinggil sa sanhi at mga pangyayari sa kaniyang pagpanaw.