--Ads--

CAUAYAN  CITY – Nagbahagi si Labor Secretary Silvestre Bello III ng kanyang karanasan matapos yanigin ng lindol ang  ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

Sa naging panayam ng  Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary    Bello  na   nasa 7th floor   siya ng kanilang  tanggapan nang maramdaman ang malakas na lindol.

Noong kasalukuyan ang pagyanig ay umupo lamang siya at prinotektahan ang kanya ulo at hindi siya nagpakita ng takot sa   kanyang mga kawani  upang hindi sila magpanic.

Ang ilan aniya sa kanyang mga kawani ay lumabas habang ang ilan ay naiwan sa kanilang tanggapan.

--Ads--

Matapos aniya ang pagyanig ay nagsagawa ng inspeksiyon ang mga engineer sa kanilang building at nang matiyak na ligtas na   ay pinapasok na ang  ilang kawani ng DOLE na lumabas .