--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isa sa dalawang laborer na aksidenteng nasagi ang live wire sa kanilang pinagtatrabahuan sa Naguillian, Isabela.

Ang namatay ay si Jonathan Fuerte, 46 anyos, may-asawa at residente ng Mansibang Naguillian, Isabela habang ang nagpapagaling sa ospital ay si Romel Quenez, 38 anyos na residente ng Sunlife, Naguillian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Naguillian Police Station, kasalukuyang nagtatrabaho ang dalawang biktima.

Pinagtutulungan ng dalawa na buhatin ang isang bakal ngunit aksidenteng nasagi ang live wire sa loob ng compound ng pinagtatrabahuan na ikina-kuryente ng mga biktima

--Ads--

Agad dinala sa ospital ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Fuerte habang ginagamot pa si Quenez.