Nananatiling nakadetine si Lakambini Lakam Chiu sa Kamuning Police Station habang inaayos ng kanyang pamilya ang pondong kailangan para sa kanyang piyansa.
Sa isang panayam, sinabi ng kanyang ama na si William Chiu Jr. na hindi pa rin kayang bayaran ng kanilang pamilya ang itinakdang bail, bagama’t may mga volunteer umanong tumutulong sa pangangalap ng pondo.
Nakaditene si Lakam kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa laban sa kanya ng kanyang kapatid na si Kim Chiu.
Una nang itinakda sa 5.8 million pesos ang kanyang bail, ngunit ibinaba ito sa 5.6 million pesos matapos ang mosyon ng kanyang abogado na si Atty. Dominic Solis.
Ayon kay Solis, surety bond ang kanilang piniling paraan ng pagpiyansa at pinoproseso na ang mga kinakailangang dokumento.
Umaasa ang kampo ni Lakam na mailabas ang release order ngayong Huwebes, Setyembre 24.
Naaresto si Lakam noong Setyembre 20 matapos siyang ma-tag bilang No. 6 Most Wanted Person ng Kamuning Police Station.





