--Ads--

Isang indibidwal ang naaresto ng mga kapulisan matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Ilagan Component City Police Station, katuwang ang PDEA Regional Office 2, sa Brgy. Baculud, City of Ilagan.

Ang naarestong suspek na kilala sa alyas na “Alias Lapayag”, 30 taong gulang at residente ng nasabing barangay. Ang suspek ay kabilang sa mga Street Level Individuals ng PNP.

Narekober sa operasyon ang isang (1) piraso ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 1.25 gramo na may tinatayang halaga na ₱8,500.00, isang (1) genuine ₱1,000.00 bill at tatlong (3) piraso ng boodle money bilang buy-bust money, gayundin ang isang motorsiklo at helmet.

Ang suspek at mga narekober na ebidensiya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng City of Ilagan Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--

Patuloy ang pinaigting na operasyon ng City of Ilagan Police Station laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng mas malawak na kampanya para sa ligtas at maayos na komunidad