--Ads--

Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Cabisera 10 (Lupigui), Ilagan City, Isabela ngayong Marso 20, 2025, dakong 5:15 ng hapon.


Kinilala ang suspek na si alyas Jomar, 47-anyos at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay. Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang mga sumusunod na ebidensya:

Isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong (3) piraso ng ₱1,000 boodle money (buy-bust money).

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Ilagan Component City Police Station (Ilagan CCPS), katuwang ang Isabela Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit (IPPO-PIU)/Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Regional Intelligence Unit 2 – CIT STG (RIU2 CIT STG), at PDEA-Isabela Provincial Office, sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 2.

--Ads--


Ang mga nakuhang ebidensya ay minarkahan at inimbentaryo sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga imbitadong saksi mula sa DOJ at Barangay Kagawad ng Brgy. Cabisera 10.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Ilagan CCPS para sa karampatang dokumentasyon at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Patuloy ang Ilagan CCPS sa maigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.