--Ads--

Matagumpay na nadakip ng mga tauhan ng Maddela Police Station ang isang lalaki sa ikinasang Buy bust Operation Brgy. Abbag, Maddela, Quirino.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Coco”, 31-anyos na residente ng naturang lugar.

Katuwang ng Maddela Municipal Police Station ang QPDEU, QPIU at 2nd QPMFC sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO2 na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Matagumpay na nakabili ang pulis na umaktong buyer ng shabu mula sa suspek kapalit ng pera.

--Ads--

Paglabag sa Sections 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na nasa kostodiya na ng Maddela Municipal Police Station.