--Ads--

Naaresto ng kapulisan sa Divilacan, Isabela ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation nitong Pebrero 12, 2026 dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang suspek ay itinago sa alyas “Noel,” 26 anyos na residente ng Brgy. Dicatian. Sa operasyon, nasamsam ang isang Colt .45 caliber pistol, walong bala, at isang magazine.

Isinagawa ang operasyon nang maayos at alinsunod sa batas sa presensya ng Punong Barangay at isang Kagawad bilang mga witnesses.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Divilacan Rural Health Unit para sa medical examination bago inihatid sa Divilacan Police Station para sa paghahanda ng kaso.

--Ads--