--Ads--

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang isang indibidwal sa Cauayan City Isabela matapos magsagawa ang Cauayan City Drugs Enforcement Unit ng Buy bust operation sa Purok 7, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christopher Yuson Nicolas, 37 years old, at residente ng Brgy. Tres, San Mateo, Isabela.

Nasamsam sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang droga na may street value na P4,000, Cellphone at pera.

Isasailim ang suspek sa drug test ng Cauayan City forensic Unit gayundin ang nakuha na pinaghihinalaang illegal na droga

--Ads--