--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kapulisan ang isang lalaki matapos magpositibo sa ikinasang Anti- Illegal Drug Buy Bust Operation sa Purok 2 Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang suspek ay kinilalang si alyas “Greg” isang Street Level Individual.

Nakuha mula sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang sang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu ( buy-bust item), isang piraso ng genuine php500.00 Peso Bill( buy-bust money) at isang cellphone na ginamit sa transaksyon.

Nasalikuyang nasa himpilan ng Ramon Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at inihahanda na ang kaniyang kaso sa paglabag sa Republic Act  9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

--Ads--