--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ang isa lalaki sa Purok 5 Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office naaresto ang suspek na si alyas “Kunyeng”.

Nabili ng nagpanggap na ysa sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust stuff), isangpirasong genuine Php. 500.00- peso bill (buy-bust money), isang unit na cellular phone at ilang halaga ng pera.

Nahaharap sa paglabag sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

--Ads--