CAUAYAN CITY – Nadagdagan ang kasong kakaharapin ng isang lalaki matapos masamsaman ng illegal na droga sa pagsisilbi ng search warrant sa kaniyang bahay sa Balasig, Cabagan, Isabela.
Isinilbi ng mga kasapi ng Cabagan Police Station, CIDG Isabela at Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office ang search warrant sa bahay ni Delfino Miguel, , walang trabaho at residente ng Brgy. Balasig, Cabagan, Isebla.
Nasamsam ng mga alagad ng batas sa bahay ni Miguel ang isang bala ng Cal 7.63 mm, 19 na bala ng Cal. 45 at isang magazine ng M16 armalite rifle.
Bukod dito, nakasamsam din ang mga otoridad ng isang piraso ng natuping aluminum foil na hinihinalang naglalaman ng shabu at 3 piraso ng glass pipe na hinihinalang drug paraphernalia.
Dahil dito, nahaharap sa mga kasong paglabag sa Rep.Act 10591 ( comprehensive firearms and regulation act ) at paglabag sa Rep. Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) si Delfino Miguel.




