--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalake matapos na masamsaman ng iligal na droga sa isang police checkpoint sa San Mariano, Isabela.

Ang nadakip ay si Regalado Pitogo isang pahinante ng sasakyan na Residente ng Santa Filomena.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula kay Pmaj. Julius Telan ang Deputy Chief of Police ng San Mariano Police Station na nagkataong nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya nang mapara ang motorsiklong minamaneho ng suspek dahil sa pasuray-suray na pagmamaneho.

Nang hingin ang kaniyang lisensya ay kasamang nalaglag mula sa bulsa ng suspek ang isang pakete ng shabu.

--Ads--

Dahil dito ay agad na dinakip ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous of Drugs act of 2002.