CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalake matapos itong barilin ng kaniyang sariling tiyuhin sa Sta. Isabel, City of Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Juniel Perez ang Deputy Chief of Police ng Ilagan Police Station sinabi niya na ang motibo sa krimen ay paghihiganti.
Batay sa kanilang pagsisiyasat may matagal ng alitan ng pamilya na nag ugat sa mana.
Bago ang pamamaril ay nagkaroon ang alitan ang mag pinsan na sina Reygun Mina 34-anyos at Nelmark Mina 27-anyos na nauwi sa suntukan noong September 15,2024.
Nagawang maawat ang suntukan subalit pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay sumugod sa bahay ng biktimang si Reygun ang tiyuhin na si Richard Mina at doon ay pinaputukan siya gamit ang isang improvised shotgun.
Dahil sa matinding sugat na tinamo ng biktima ay agad itong binawian ng buhay habang dinadala sa pagamutan.
Matapos ang pamamaril ay agad ding nahuli ang suspect sa mismong bahay niya.
Sa ngayon ay nasampahan na ng kasong murder sa piskalya ang suspect habang siya ay nanatili parin sa kustodiya ng Ilagan City Police Station.