CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki na lulan ng motorsiklong bumangga sa isang elf truck sa Bugallion Proper, Ramon, Isabela.
Nakatanggap ng pabatid ang Ramon Police Station na patay na ang biktimang sakay ng motorsiklong bumangga sa elf truck na si Emmanuel Villar, residente ng Burgos, Ramon, Isabela.
Dahil dito inihahanda na ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang tsuper ng truck na si Billy Soliven, 44 anyos, isang magsasaka at residente ng Bugallion Norte, Ramon, Isabela.
Nauna rito ang biktima ay sakay ng motorsiklo nang mabangga ang truck na minamaneho ni Soliven.
Minamaniobra ni Soliven ang minamanehong elf truck sa gilid ng national highway nang biglang sumalpok ang motorsiklong sinasakyan ng biktima.
Dinala sa ospital sa Santiago City ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.