--Ads--

CAUAYAN CITY- Kusang sumuko sa himpilan ng pulisya sa Santa Fe, Nueva Vizcaya ang number one sa listahan ng wanted person na may kasong rape.

Ang akusado ay si Joenidick Luchavez, 34 anyos, may asawa at residente ng barangay Balete, Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Inspector Ariel Gabuya, hepe ng Sta. Fe Police Station na noong Mach 20, 2014 pa nailabas ang warrant of arrest laban kay Luchavez sa kasong rape.

Anya batay sa kanilang pagsisiyasat ay nag-iinuman umano noon ang akusado kasama ang noo’y kasintahang biktima nang ginawa niya ang paghahalay matapos sundan ang biktima sa kanyang pag-ihi.

--Ads--

Matapos napagpasyahang sampahan ng kaso ang suspek ay nagtago na siya.

Hinimok ng pulisya ang pamilya hikayating sumuko ang pinaghihinalaan kaya umuwi mula sa kalakang Maynila at sinamahang sumuko.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.