--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos gahasahin ng dalawang ulit ang menor de edad sa bayan ng Brgy. District 1, Benito Soliven Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas Along, 42- anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar na tinuturing na No. 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Qualified Rape.

Nahuli ang nasabing suspek ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng PNP Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong May 21, 2024 para sa kasong na nabanggit na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang suspek ay dinala sa himpilan ng Benito Soliven para sa dokumentasyon at maayos na disposisyon bago iturn-over sa korteng pinagmulan.

--Ads--