--Ads--

CAUAYAN CITY – Bagsak kulungan ang lalaking umanoy gumahasa sa menor de edad na kapitbahay sa City of Ilagan, Isabela. 

Naaresto ang akusado na kinilalang si Alyas “Ely”, 38-ayos, may asawa, residente ng San Rodrigo, Ilagan City, Isabela matapos isilbi ang mandamiento de aresto laban sakanya.

Ang akusado ay itinuturing na Number 1 most wanted person sa City Level ng naturang lungsod.

Wala namang inirekomenang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Lord Wilson Adorio, Hepe ng Ilagan City Police Station, kaniyang sinabi na sinampahan ng kaso ang akusado matapos mag-report sa kanilang himpilan ang menor de edad na biktima na kapitbahay lang din nito.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lango umano sa nakalalasing na inumin ang akusado nang maganap ang insidente.

Hindi naman nanlaban si Ely nang arestuhin ng mga awtoridad.