--Ads--
CAUAYAN CITY- Aksidenteng nabaril ang isang lalaking makaraang arestuhin ng mga kasapi ng Ramon Police Station.
Si Dominador Valdez, 52 anyos at residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela ay dinakip dahil sa kinakaharap na kasong pagpatay
Isinilbi ng PNP Ramon sa tulong na rin ng San Mateo Police Station ang warrant of arrest laban kay Valdez.
Habang isinisilbi ang warrant of arrest kay Valdez ay bigla nitong sinunggaban ang baril ng isa sa mga pulis ngunit aksidenteng pumutok.
--Ads--
Tinamaan sa tuhod si Valdez na agad dinala sa pagamutan.
Nauna rito si Valdez ang suspek na bumaril kay Rogelio Andres ng Sinamar Norte, San Mateo na nagsanhi ng kamatayan ng biktima.




