CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga pulis ang isang lalaking may kinakaharap na kasong panggagahasa sa Santiago City.
Ang dinakip ay si Joel Salvia, 45 anyos, may asawa, mangangalakal, at residente ng Baptista Village, Santiago City.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga kasapi ng Santiago City Police Station 2 sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Senior Inspector Jose Cabaddu Jr. at ang warrant server ng Santiago City Police Office.
Isinilbi nila ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Emmanuel Cacho Rasing ng Regional Trial Court Branch 3 Baguio City, laban kay Salvia sa kasong ‘rape through sexual assault’.
Ang pinaghihinalaan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
Si Salvia ay nakapaglagak ng isang daan dalawampong libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




