--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa pag-iingat na ng San Mateo Police Station ang isang lalaki na may kasong pagpatay o murder.

Matagal ding nagtago sa batas ang suspek na si Ronald Dela Cruz ,44 anyos ng San Manuel, San Mateo, Isabela.

Si Dela Cruz ay nasangkot sa pagpatay sa Santiago City, 10 taon na ang nakakaraan.

Ang warrant of arrest laban kay Dela Cruz ay isinilbi ng San Mateo Police Station.

--Ads--

Ayon sa suspek, nakahanda niyang harapin ang kaso.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Dela Cruz.