Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang akusado sa kasong Homicide matapos ang maayos at lehitimong pagpapatupad ng Mandamiento De Aresto sa Brgy. Phase 5, Brgy. 176, Langit Road, Caloocan City.
Kinilala ang naarestong akusado sa alyas na “Noli,” 33-anyos, binata, tricycle driver, at residente ng Brgy. 744, Bario Concepcion, Dull Tala, Caloocan City.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Mallig Police Station katuwang ang Police Intelligence Unit (PIU) ng Isabela Police Provincial Office, Regional Mobile Unit 2 (RMU2), at 201st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2).
Ang naturang Mandamiento De Aresto na may petsang Agosto 4, 2025, na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 23, Second Judicial Region, Roxas, Isabela, na may inirekomendang piyansa na ₱100,000.00.
Sa kasalukuyan, ang naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng Mallig Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ang kanyang pormal na turn-over sa korte na naglabas ng warrant.











