--Ads--

Tuluyan nang natagpuan ang bangkay ni Arman Ringor Lapuebla ng Furao, Gamu, Isabela kahapon ng hapon matapos ang ilang araw na paghahanap ng mga otoridad sa ilog na bahagi ng Brgy. Lenzon, Gamu, Isabela.

Matatandaang dahil sa takot na tataob ang bangka na kanilang sinasakyan nang pasukin ito ng tubig ay tumalon ang biktima na bagamat marunong lumangoy ay nito nakayanan ang malakas na agos at malalim na tubig sa ilog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Camilo Preza ng Gamu Isabela sinabi niya na ilang araw ding nagsagawa ng search and rescue operation ang mga kinauukulan kung saan sinuyod nila ang ibabang bahagi ng ilog para hanapin ang biktima.

Pinasalamatan naman nila ang mga Dumagat mula sa Abuan River na tumulong sa pagsisid sa kahabaan ng ilog na bahagi ng Brgy. Lenzon, Gamu, Isabela.

--Ads--

Natagpuan ang bangkay ng biktima na sumabit sa isang lambat at pasintabi sa mga nanonood at nakikinig dahil ito ay nasa stage of decomposition na nang matagpuan.