CAUAYAN CITY- Nahaharap sa kasong statutory rape ang isang lalaki gahasain ang isang batang babae.
Ang suspek ay si Roy, 57 anyo at residente ng Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Esem Galiza, pinuno ng Women and Childrens Protection Desk (WCPD) ng PNP Cauayan na batay aniya sa resolusyon ni Fiscal Ruby Milagros Damian, hindi maaaring makalaya ang suspek maliban lang kung magharap ng petition to bail depende pa kung aaprubahan ito ng hukuman.
Lumabas sa pagsisiyasat ng WCPD na may testigo na nakakita sa suspek na kasa-kasama nito ang bktima na kaagad ipinaalam sa live in partner ni Ram.
Nakita ng live in partner ni Roy sa isang damuhan na nakapatong ang kinakasama nito sa bata na kapwa wala nang saplot sa katawan.
Ayon pa kay Senior Inspector Esem Galiza, positibong hinalay ang bata batay sa resulta ng medico legal.
Bagamat naaktuhang hubad ay itinanggi ng suspek ang mga paratang laban sa kanya.




