--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng mga alagad ng batas ang nasa ika-57th sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ang nadakip ay si Agustin Balisi, 50 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. San Jose, Lallo, Cagayan.

Isinilbi ng mga kasapi ng Lallo Police Station, Cagayan Police Provincial Office, Regional Police Office 2 sa pangunguna ni P/Chief Insp. Eugenio Mallillin sa pakikipagtulungan ng PDEA Northern Cagayan ang Search Warrant sa tahanan ni Balisi sa mga kasong paglabag sa Rep.Act 9165 at Rep.Act 9516.

Nasamsam ng mga alagad ng batas sa bahay ni Balisi ang isang hand grenade, isang large transparent plastic sachet na naglalaman yellow lighter, 6 transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 2 piraso ng aluminum foil, 2 piraso ng maliit na transparent plastic sachet na mayroong residue ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Nasa pangangalaga na ng Lallo Police Station si Agustin Balisi maging ang mga nasamsam sa kanyang tahanan.