--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang pampublikong pagamutan ang hindi pa nakikilalang lalaki na nasangkot sa aksidente sa Brgy. Rizal, Santiago City.

Ang nasabing lalaki ay tinatayang nasa 25-30 anyos, nakasuot ng pink na t-shirt at pantalon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Santiago City Police Office Traffic Group, wala ring plaka ang ginamit na motorsiklo ng lalaki at walang nakuhang ID na maaring gamitin upang makilala ito.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nawalan ng kontrol sa manibela ang lalaki na dahilan ng kanyang pagkakatumba at tumama sa mga barikada ng ginagawang daanan.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang lalaki na agad dinala sa Southern Isabela General Hospital para sa kaukulang lunas.