CAUAYAN CITY- Nananatiling tahimik at mapayapa ang lalawigan ng Isabela ilang linggo matapos magsimula ang Campaign Period para sa 2025 Midterm Elections.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, sinabi niya na patuloy ang ginagawa nilang pag-iisip ng mga estratehiya para matiyak na maging maayos ang pagdaraos ng Halalan.
Aniya, sa buong Lambak ng Cagayan ay mayroong isang namomonitor na Private Arm Groups o PAGs ngunit wala pa naman aniyang namamataan na presensya nito sa lalawigan ng Isabela.
Magbibigay aniya sila area security sa lahat ng lakad ng mga kandidato na may kinalaman sa pangangampanya kung saan magtatalaga sila ng mga personnel upang matiyak ang kaligatasan ng bawat kandidato.
Binigyang diin naman ni PCol Bauding na nananatiling Apolitical ang mga kapulisan.
Samantala, patuloy ang pagsasagwa ng Unity Walk, Candidates Forum at Covenant Signing sa lahat ng Commision on Election o Comelec Stakeholders pangunahin na sa mga kandidato.