--Ads--

Magkakaroon ng dagdag na concert ang LANY sa Seaside Arena sa Cebu ngayong Nobyembre bilang bahagi ng kanilang “Soft” world tour.

Ayon sa Live Nation Philippines, sold out na ang unang show na nakatakda sa Nobyembre 6 kaya nagdagdag sila ng panibagong konsiyerto sa Nobyembre 12.

Matapos ang Cebu leg, tutungo ang LANY sa Philippine Arena sa Bulacan para sa magkasunod na palabas sa Nobyembre 7 at 8.

Susundan naman ito ng isa pang konsiyerto sa Nobyembre 14 sa Crocodile Park Concert Grounds sa Davao.

--Ads--

Nauna nang inilabas ng Live Nation ang seat plan at ticket details para sa “Soft” tour ng grupo.

Huling nagtanghal ang LANY sa Pilipinas noong 2024 sa Bulacan at Cebu.

Kilala ang grupo sa kanilang mga hit songs tulad ng “ILYSB,” “Malibu Nights,” at “Thru These Tears.”