--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang illegal recruiter na binansagang No.1 Municipal Most Wanted Person sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Ang akusado ay itinago sa pangalang Lyn,  61 anyos, may asawa, at residente ng Brgy Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nahuli ang nasabing pinaghihinalaan ng pinagsanib na pwersa ng Ramon Police station, at Provincial Intelligence Unit sa bisa ng  mandamiyento de aresto na inilabas ng Second Judicial Region Branch 36, Santiago City, Isabela.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong illegal recruitment in large scale at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

--Ads--

Ang pinaghihinalaan ay nasa pangangangalaga na ng Ramon Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.