--Ads--

Opisyal nang inanunsyo ng aktres na si Lauren Young ang kanyang engagement sa longtime partner na si Toby Panlilio.

Sa kanilang biyahe sa Sapporo, Hokkaido, Japan, nag-propose si Toby sa kanya sa Odori Park, at ibinahagi ni Lauren ang masayang sandali sa kaniyang social media account.

Makikita sa mga larawan ang emosyonal na proposal si Toby nakaluhod, si Lauren nakangiti at kitang-kita ang kanyang kumikislap na engagement ring.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan sa showbiz tulad nina Valeen Montenegro, Samantha Bernardo, Bea Fabregas, Andie Eigenmann, Saab Magalona, Dani Barretto, at siyempre ang kanyang ate na si Megan Young kasama ang asawa nitong si Mikael Daez.

--Ads--