--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakukulangan ang isang lawyer at political analyst sa ebedensiyang CCTV footage sa mga pinaparatangang opisyal ng pulisya na isinasangkot sa irregularidad sa isinagawang pagsamsam sa 990 kilograms ng ilegal na droga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst na ang nais niyang makita na kapag usapin ng criminal activities dapat ang magiging standard ng pulisya na gagamitin para paniwalaan ay mayroong mailatag na ebedensiya na maituturing na “beyond reasonable doubt”.

Lahat anya ng mga events o ebedensiya na ipinapakita sa CCTV Footage ay hindi kompleto o kulang pa ang imbestigasyon at mayroon pang “reasonable doubt” .

Bukod dito anya ay nakakadismaya dahil nagsasagutan at may kanya-kanyang paratang ang mga opisyal ng PNP at DILG na nakakabawas ng respeto at tiwala ng publiko.

--Ads--

Iminungkahi niya na kinakailangang magkaroon ng masusi at inhouse investigation at ang ebedensiyang ipapakita ay sapat at hindi pagdududahan.

Mali din ang sinasabing ang mga pinaparatangan ang dapat maglalabas ng ebedensiiya na sila ay inosente kundi dapat ang nagpaparatang ang maglabas ng ebedensiya beyond reasonable doubt.

Ang naging hakbang anya ni Kalihim Benhur Abalos ng DILG ay gawain ng isang politiko o political approach na mahalagang mauna ang perception ng publiko na isa anyang mali.

Dapat na siguraduhin munang mayroong pruweba o hawak na ebedensiya na papasa sa korte bago paratangan ang isang kasapi o opisyal ng pulisya.

Ang pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco