CAUAYAN CITY – Magkatuwang na isinagawa ng Department of Education, Local Government Unit ng Ilagan City at City o Ilagan Gay association ( CIGA ) ang LGBT rights advocates at HIV-AIDS caravan sa San Rafael National and Vocational High School.
Layunin ng programa na mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral para makaiwas sa HIV AIDS at maging mulat sa usapin kaugnay ng LGBT community.
Bagamat walang namomonitor ang RHU at CIGA na kinapitan ng nasabing sakit sa lunsod ng ilagan ay pinapaigting ang kampanya laban sa HIV/AIDS para makaiwas ang mga mag-aaral.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Peterson Patriarca ng CIGA na hindi na dapat hintayin na may kapitan ng nasabing sakit kundi dapat paigtingin ang paggawa ng paraan para maging mulat ang mga tao lalo na ang mga kabataan na makaiwas sa HIV/AIDS.
Makikipagtulungan ang CIGA sa LGU at DepEd sa pagbibigay ng impormasyon sa mga kabataan at mag-aaral sa sekondarya at kolehiyo sa Lunsod ng ilagan.
Sa isinagawa aniyang HIV test noong mayo ay walang nagpositibo.




