--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang ibibigay na tulong sa mga paaralan sa pagsisimula ng klase.

Nakatakdang bisitahin ng Chairman ng Committee on Education ng City Council, Schools Division Office o SDO Cauayan City at Public Order and Safety Division o POSD ang mga primary at secondary schools sa lungsod para sa Brigada Eskwela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na nakatanggap sila ng mandato mula kay Mayor Jaycee Dy para bisitahin ang mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagsisimula ng klase.

Dadalhin naman nila ang mga Electric Fan, Aircon at iba pang gagamitin sa pagkumpuni sa mga sirang gamit tulad ng upuan at mesa sa loob ng classrooms.

--Ads--