--Ads--

CAUAYAN CITY – Maglalagay ang pamahalaang lunsod ng mga bakal na barikada sa mga entry checkpoints sa lunsod at aayusin din ang mga tents na ginagamit ng mga nagbabantay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Reina Santos ang tagapagsalita ng LGU Cauayan, sinabi niya na aayusin ang mga tent sa checkpoint dahil maliliit lamang ang mga ito at hindi maaaring makalusot maski ang mga maliliit lamang na sasakyan.

Papataasin ang mga nasabing tent at palalawakin upang maaaring makalusot ang mga sasakyang papayagang makapasok sa lunsod.

Dadagdagan din nila ng bakal na barikada ang mga nakalagay na plastic na barikada sa checkpoint dahil mga impormasyon silang natatanggap na binabangga ang mga ito upang makalusot lamang sa checkpoint.

--Ads--

Dagdag pa ni Atty. Santos titiyakin din nilang maayos na gumagana ang mga ilaw sa checkpoint.

Inaasahang mailagay ang mga tent at barikada sa mga checkpoint ngayong linggo.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Reina Santos ang tagapagsalita ng LGU Cauayan.