CAUAYAN CITY- Arestado ang isang LGU employee ng City of Santiago na naitala bilang high value individual matapos na masasamsaman ng malaking halaga ng shabu sa Purok 6, Barangay San Andres, Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Felimon Carabbacan Jr. ang Hepe ng Santiago City Police Station 1 sinabi niya na nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 2 at PDEA Quirino Police Office si Alyas Jess,55-anyos na lalaki, balo, isang LGU Job worker na residente ng Brgy. Victory Norte, Santiago City.
Aniya bago ang operasyon ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta ng shabu ng suspect sa Lunsod ng Santiago partikular sa harapan ng City Hall.
Naging daan ang Anti-Illegal Drug Buy bust operation laban sa suspek para mabili sa kaniya ng Pulis na umaktong buyer ang isang pekete ng shabu na may timbang na 2.9 gramo na may kabuuang halaga na , P20,000.00.
Nakuha pa sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) small transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na 0.2 gramo na ibinalot sa piraso ng kalendaryo, android phone, ATM cards, lighter, mga resibo, IDs.
Aniya Buwan pa noon ng Nobyembre ng simulan nilang manmanan ang pinaghihinalaan sa pamamagitan ng pakikipag transakyon dito subalit naging mailap ang suspek.
Si Alyas Jess ay naitala nila bilang newly identified drug personality at naihanay bilang High Value Individual (HVI).
Lumalabas sa kanilang mga nakuhang impormasyon na kadalasang parokyano ng suspek ang mga kakilala nito maging mga kaibigan na gumagamit din ng iligal na droga.
Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Santiago City Police Office Station 1.