--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa limang areas ang inaasahang magkakaroon ng traffic congestion sa bahagi ng Nueva Vizcaya ngayong linggo dahil sa paggunita ng Undas at pagdagsa ng maraming motorista na dadaan sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRMO Nueva Vizcaya Information Officer Mary Kristine Olog, sinabi niya na nagsagawa sila ng pulong bilang paghahanda sa bagyong Leon at Undas katuwang ang mga concerned agencies.

May limang natukoy na lugar na inaasahang magkakaroon ng masikip na daloy ng trapiko ay ang bahagi ng Market to Ambaguio, Malico sa Sta. Fe, Taktak at sa Nagsabaran sa Diadi, Nueva Vizcaya.

Upang maiwasan ang counterflowing ng mga motorista sa lugar ay may mga itinalaga nang personnel mula sa PNP at PDRRMO na magbabantay simula ngayong araw hanggang bukas, Nov. 1, 2024.

--Ads--

Ang mga checkpoints ng PNP ay ginawang motorist assistance centers para sa Lakbay Alalay.

Aniya tumigil pansamantala ang konstruksyon ng mga ginagawang kalsada ngunit babantayan pa rin ang mga ito para sa 15-30 minutes na interval na pagdaan ng mga sasakyan upang hindi magdulot ng masikip na daloy ng trapiko.