--Ads--

Nagsagawa ng live air-to-ground training ang Tactical Operation group 2 sa lalawigan ng Isabela nitong mga nakaraang araw.

Ang nasabing Air-to-Ground Operations Seminar o mas kilala sa AGOS ay nilahukan ng 502nd Infantry Brigade bilang bahagi ng ginagawang Integration Training Exercise ng TOG 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Affairs Officer Second Lieutenant Kevin Agagdan, sinabi niya na ito ay upang maihanda ang hanay ng mga sundalo sa pagsasagawa ng Air-to-Ground Coordination na pangunahing magagamit lalo na kung may mga operasyon.

Aniya, kabilang sa mga tinalakay rito ay kung papaano ang pagsusuri sa weather condition ng isang lugar para pagsasagawa ng Air-to-Ground operation.

--Ads--

Dagdag pa ni Agagdan, tugon din ito sa pagsasagawa ng rescue mission lalo na kung may mga kalamidad.

Paliwanag din ng kanain ng TOG 2, hindi lamang nakatago sa assault operation ang layon ng pagsasanay kundi ang paggamit ng mga ito sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance.

Mahigit dalawang daan ang nakilahok sa nasabing pagsasanay kung saan tampok dito ang paggamit ng Black Hawk helicopter ng nasabing opisina.