--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinawi ni Sangguniang Panlalawigan Member Atty. Randy Areola ng Isabela ang pangamba ng publiko hinggil sa pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.

Kasunod ito ng naganap na sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at Maute Terror Group sa Marawi City kung saan dalawang sundalo at isang pulis ang nasawi.

Ayon kay Atty Areola, walang dapat ikabahala ang mamamayan dahil sa pagdedeklara ng 60 araw na batas militar.

Binigyang-diin ni Atty. Areola na ang deklarasyon ng martial law ay dadaan pa sa pagsang-ayon ng kongreso.

--Ads--

Sa katunayan aniya, kahit naka-recess ang mga mambabatas ay maari silang ipatawag dahil kinakailangan nilang talakayin ang deklarasyon ng martial law.

Una nang tiniyak nina Presidential Spokesman Ernesto Abella at Kalihim Alan Peter Cayetano ng DFA na susundin ni Pangulong Duterte ang saligang batas kaugnay ng pagdeklara ng martial law.